Tuesday, December 16, 2008

magpapasko-na?!

Masyadong mabilis ang mga pangyayari o marahil "the earth orbits faster." Hindi ko nga lubos maisip malapit na ang pasko. Natulog ba ako nang halos sampung taon? Pasensya na kung masyado akong nahihiwagaan. Pakiramdam ko talaga kasi masyado nang mabilis ang takbo ng panahon kaya ngayon ang mga tao, nagmamadali na rin. Parang palaging may hinahabol, laging may sinusundan. At kung makuha man nila iyong mga bagay na hinahabol nila, hindi pa rin sila titigil bagkus patuloy pa rin sila sa paghabol. Kaya nga parang nahahawa na ako, isa pa naman akong "firm believer of rest and recreation." Ayokong masyadong nagmamadali pero kung ikaw ay katulad kong college student na may mga guro na halos kaliwa't kanan ang hinihinging requirements, hindi ka kaya magmadali? Hindi lang naman eskwelahan ang prayoridad natin - pinansya,pamilya,kaibigan at ating sarili - naisip ba nila iyon? Kaya kapag nakatapos ako sa kursong ito, hindi ako magiging "demanding" na teacher.Teka, parang masyado akong napalayo.(hehehe)
Hay, mahirap isipin na nag-aaral ako sa kolehiyo para paghandaan ang kinabukasan ko. Huwag ko ng isipin kaya, sabi nga "relish the present, live the moment." Oo nga, kung mapapansin natin masyado na nating iniisip ang nakaraan at hinaharap kaysa pagtuunan pansin ang kasalukuyan. Nakakalimutan nating ienjoy ang bawat sandali dahil mas iniisip pa natin kung anong mangyayari bukas. "Yesterday isn't coming back; tomorrow might never come," ayon nga sa kasabihang Ingles. Mahirap ito kung tutuusin ngunit kailangan nating isaisip ito kung gusto natin sa pagtanda natin, maaalala natin na nagamit natin nang mahusay ang ating mga buhay.

Kaya ngayong Pasko, ienjoy natin lahat-lahat at isipin natin ang posibilidad na anuman ang mangyari ay para sa ating kaligayahan. MERRY CHRISTMAS!!!

Thursday, December 11, 2008

Paano nga ba nabubuo ang mga salita?

Subukin nating isipin kung walang salita, ano kaya ang maaaring mangyari sa mundo? Hindi ba't iisipin pa lang natin kagimbal-gimbal na! Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng mga salita?
Ayon sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Salita: "Ang salita ay yunit ng
wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, sugnay at pangungusap."
Pero bakit nga ba ang mga salita'y nabuo at patuloy na nabubuo? Binuo ang mga salita upang maipahayag ang kaisipan (maaaring sa pagsusulat o pagsasalita) at patuloy pa rin sa paglikha ng salita upang magkaroon ng eksato o babagay na terminolohiya sa mga ideya at bagay na dulot ng makabagong panahon.
Mayroong mga paraan kung paano nabubuo ang mga salita. Una ang akronim. Ang akronim ay pagbuo ng salita sa pamamagitan ng mga unang letra ng mga salita (hal. SCUBA mula sa Self-Contained Underwater Breathing Apparatus). Sumunod naman ang Arkayk na mga salitang umusbong nang kapanahunan ngunit hindi na ginagamit ngayon (hal. plaka, pluma at phonograph). Ikatlo naman ang Jargon na maihahalintulad natin sa "shop talk" o mga salitang ginagamit ng ispisikong propesyon (halimbawa sa mga doktor: hyperthyroidism, stethoscope, MRI o Magnetic Resonance Imaging). Mix-mix na lenggwahe naman ay ang paghahalo ng dalawang salita maaring ang isa ay Ingles at ang isa naman ay Filipino (hal. Chinoy mula sa Chinese at Pinoy). Eupimismo ay mga salitang ipinapalit sa mga salitang pangit sa panlasa o pandinig (hal. funeral parlor ay ginagawang slumber room). Ang salitang nanganganak ng salita ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapi sa salitang ugat o paguulit-ulit nito (hal. ganda - kagandahan,pagkaganda-ganda, pinaganda atbp). Panghuli ay ang paggamit ng numero, ang halimbawa nito ay 143 mula sa bilang ng bawat salita sa pangungusap na "I love you."
Imposible na yatang mabuhay sa mundong walang salita bukod na sa pangunahing instrumento ito sa pakikipagkumonikasyon, nakapagpapatibay pa ito ng relasyong pantao.

Thursday, December 4, 2008

naka-labinglima lang ako sa pagsusulit

Akala ko Naom Chomsky, iyon pala Noam Chomsky. Kaya tuloy imbes na labing anim ang nakuha kong iskor sa 20-item quiz, labing lima na lang tuloy ako. Kasi naman ang nakita ko talaga sa pisara ay Naom Chomsky. Malabo na yata talaga ang mata ko. Kailangan ko na yatang padagdagan ang grado ng mata ko.

Ngayong araw, ang tinalakay naman ang isteyges sa pagkatuto ng wika. Ito ang mga sumusunod na isteyges:
PAG-IYAK( crying)
KUWING ( cooing)
BABLING (babbling)
INTONASYON (intonation)
ISANG SALITA (holophrastic)
SALITA (word inflections)
TANONG (question)

Naghanap pa rin ako sa internet kung ano pa ba ang isteyges sa pagkatuto ng wika. Ito ang aking nakalap : *"The evidence from several studies of both first and second language acquisition suggests that normal language learning occurs only when exposure to the language begins early in life. With exposure beginning later in life. asymptotic performance in the language declines: the effects over age of first exposure are approximately linear through childhood. with a flattening of the function in adulthood. These outcomes argue that some type of constraints ensuring successful language learning exist early in life, and weaken with increasing maturation. Second. two hypotheses are considered as to the nature of these maturational changes. One hypothesis is that constraints on learning particular to language acquisition undergo maturational decay. A second hypothesis. which is considered in more detail. suggests that language leaming abilities decline because of the expansion of nonlinguistic cognitive abilities."
Mula dito, masasabing ang pagkatuto sa wika ay masisimulan kung may "exposure" na ang bata sa wika. Halimbawa, nito ay ang pakikipag-usap natin sa mga bata. Sa pamamagitan nito hindi lang natin naipakikilala ang mga salitang bago sa kanyang pandinig, naipapakita rin natin sa bata kung paano magsalita (ang bata ay gumagaya lamang sa mga kilos ng mga nakapaligid sa kanya)
Sa kalaunan, matuto ang batang magsalita. Ngunit sa palagay ko dapat natalakay ri ang mga hadlang sa pagkatuto ng wika (kung bakit may mga batang hindi naibibigkas nang mabuti ang ilang mga letra).

Tuesday, December 2, 2008

likas at artipisyal na wika

Pinagaralan naman namin ngayon ang tungkol sa likas at artipisyal na wika. Ang likas na wika ay natutuhan nang hindi namamalayan ng tao at umuunlad nang hindi nangangailangan ng pag-aaral ,samantala, ang artipisyal na wika ay bunga ng pag-aaral
Kabilang sa artipisyal na wika ang Volapuk, Esperanto at Interlingua. Naitatag ang mga wikang ito upang magkaroon ng panibagong wika na magagamit sa komunikasyon. Naging layunin din ng pagkakabuo ng mga wikang ito ang pagkakaroon ng matatawag na artipisyal na wika.
Sa kalaunan, naging diskusyon naman namin kung maituturing bang artipisyal o likas na wika ang wikang Filipino.
Sinabi ng ilan sa aking mga kamag-aral na likas ang wikang Filipino. Sa opinyon ko naman ay hindi dahil ang wikang Filipino ay hindi "puro" samakatwid, hindi na ito maituturing na likas. Kahit sabihin natin na ang Tagalog ang pinagbatayan ng Wikang Pambansa (wikang Filipino), ang wikang Filipino'y nahaluan na ng mga ibang lenggwahe (tulad ng mga hiram na salita o mga salitang walang katumbas sa Filipino.
Upang mas maipaunawa ko sainyo, ang salitang "teacher" ay "guro" sa Filipino at "titser" sa Filipino. Ang "fake" ay "huwad" sa Tagalog at "peke" naman sa Filipino. Mapapansin na "puro" ang Tagalog. Ilan sa mga salita sa Filipino ay galing sa ortograpiya ng mga salitang Ingles (Halimbawa: economics sa English, ang ortograpiya nito ay /e ko no miks/. Kaya't ang panibagong salita ay "ekonomiks.")
Sa kabuuan, itinuturing kong artipisyal na wika ang wikang Filipino.

Thursday, November 27, 2008

ano nga ba..wika o diyalekto?

Wika o diyalekto?

Matagal na naming tinatalakay ang tungkol sa wika at diyalekto ngunit nalilito pa rin ako kung ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa. Marahil, nagdulot ng kalituhan ang maling ideyang kinalakihan ko na ang mga lengguwaheng ginagamit sa probinsya ay matatawag na diyalekto samantalang ang lengguwaheng pambansa ay maituturing na wika. Dahil dito, nagsaliksik ako upang mas maunawaan ko ang pagkakaiba ng wika sa diyalekto. Ayon sa website na http://www.varsitarian.com/detail.asp?ArticleID=7803160004&Sections=Sections=
Features&id=2200&source=archive.asp&ArchiveID=7803, nakahanap ako na artikulong nagsasaad ng depinisyon ng wika at diyalekto
"ILONGGO, Bikolano, Cebuano, Batangue┼ło, Ilokano, Waray�ilan lamang ang mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 na rehiyon sa bansa.
Ngunit, diyalekto ba ang mga ito o wika?
Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang diyalekto�
Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba�t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue┼ło at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.
Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika.
Wika ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.
Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.
Tulad na lamang ng paggamit sa salitang maganda. Isinusulat o binibigkas ito bilang maganda para sa mga Tagalog, �magayon� sa mga Bikolano, at matahom sa mga Cebuano.
Ginagamit naman ang salitang mabilis bilang mabilis din sa Tagalog, ngunit makaskas sa Bikol, at paspas sa Cebu.
Hindi dahil ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.
Dahil nakapagbibigay ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa. Rieze Rose T. Calbay Tomo LXXVIII, Blg. 3 • August 18, 2006"
Base sa artikulong ito, ang isand lengguwahe ay matatawag na wika kung ito'y may angking sistema sa pagbubuo ng tunog, may sintaks, morfoloji, at ispeling. Nangangahulugan lamang na nangangailangan ng masidhing paghihinuha upang maintindihan ang wika at diyalekto.
Ano naman ang pagkakaiba ng wikang Filipino at wikang Tagalog? Ayon sa http://blog.kapenilattex.com/2005/06/01/alin-alin-alin-ang-naiba-ang-pagkakaiba
-ng-tagalog-at-filipino/ , " Ang wikang Filipino na siyang opisyal na wika ng ating bansa ay isang buhay na wikang nasasalinan ng iba’t-ibang salita mula sa iba’t-ibang wika na naaayon sa pangangailangan at dikta ng panahon. Kung ang salitang fake ay mas kilala sa pagsasaling “peke,” iyon ang Filipino. Ang pagsasalin nito sa Tagalog na “huwad” ay nananatiling gayon — Tagalog. Totoo din ito para sa mga salitang benepisyo para sa benefit, kwarto imbis na silid, opisina imbis na tanggapan, atbp.

Ang wikang Tagalog ay isang diyalekto sa mga rehiyong Central Luzon, NCR, at Southern Tagalog. Wala itong kinaiba sa mga diyalektong Ilonggo, Cebuano, Waray, Kapampangan, Panggalatok, atbp. Subalit ang Filipino ay maaaring mag-assimilate ng mga salita galing sa mga diyalektong ito. Malaya ding ina-assimilate ng Filipino ang mga terminolohiyang Inggles."

Mula sa mga nakalap kong artikulo sa internet, masasabi ko na mayaman sa kultura ang Pilipinas. Masasalamin ito sa dami ng mga lengguwahe sa Pilipinas. At bilang isang Pilipino, marapat lamang na lubos kong kilalanin ang mga ito.



Tuesday, November 25, 2008

..sa wakas..

Medyo masakit na ang mga mata ko. Hindi naman ako kasi sanay na magbabad sa computer at isa pa, malabo na ang mata ko. Naiisip ko lang, paano kaya kung sa pagtanda ko, unti-unting mawawala ang paningin ko. Paano kaya 'yun? Hindi ko na magagawa ang mga bagay na dati-dati kong ginagawa. Masyado ba akong madrama? Sa totoo lang kasi, matagal ko na itong naiisip. Parang gusto ko na rin kasing ihanda ang sarili ko na may posibilidad na dumating ang araw na mawawalan na ako ng paningin. Pero sa palagay ko naman hindi iyon mangyayari...
Nanonood ako ng pelikula gamit ang computer (hindi kasi ako marunong mag-operate ng DVD player namin). First Day High ang pinanood ko, grabe nga eh ang tagal-tagal na iyong ipinalabas ngayon lang ako nagkainteres na panoorin iyon. Hay! Hindi talaga kasi ako mahilig sa mga ganyan. Dahil sa pelokulang iyon, naisip ko na ang isang araw ay maaring magdulot ng malaking epekto sa mga susunod na araw sa buhay mo. Nakikita ko ang implikasyon nito sa buhay ko -- isang araw lang nang mangyari iyon; na nakatabi ko siya sa upuan at ngayon napakaespeyal na ng taong iyon sa akin.
"It's better to do things right than to do it nicely." Natutunan ko din yan sa pelikula, Minsan kasi hindi lahat ng mabuting intensyon, maganda ang kinalalabasan. Kahit na nais mo pang makatulong kung hindi naman kailangan ang tulong mo, mas mabuti pang huwag na lang umimik dahil iyon ang mas tamang gawin -- ang huwag makialam.
Sa wakas, nahanap ko na ang flash drive ko! Ngunit hindi ko naman talaga iyon hinanap (hehe!!).
Hindi ko na alam kung anong ilalagay ko pa. Sa sunod na lang, basta sa wakas may blog na ako.